Sinusubukang pawiin ang pagkauhaw.
Habang papalayo sa itinakdang gusaling
babago ng aking buhay.
Tila napapalibutan ng ulap ang aking paligid...
dahil ba wala ang matapat na katuwang?
'Di bale na.
Hindi dahil malabo ang paningin
ibig sabihin ay bulag na ako sa mga totoong kaganapan
sa masaklap na mundo.
Ang dami kong nais sabihin.
Inom pa ng tubig.
Sa ngayon, siya lamang ang makakapagbigay sa'kin ng buhay.
Alam mo ba...
Sa isang banda...
Huwag na lang pala.
Marahil kasabay ng pagsira ko ng pinto
habang buhay na ring mananatiling tikom ang aking bibig.
Hindi ko maintindihan.
Mahirap na madali.
Habang wala akong sinasabi
wala ring napupukaw na damdamin.
Walang ibang napapansin
kundi ang nasasalubong na mausok na hangin.
Hindi ko alam kung ano ang mas nasasaktan...
kung anong parte ng kaluluwa o katawan.
Napatingin sa langit.
Gaya ng buhay ko
Nabalot na ito ng kadiliman.
Ang kaunting mga bituing natitira
ay ang aking mga munting buhay na pag-asa.
Nagpakita na rin ang buwan.
Kung dati ang daming kong katanungan idinudulong sa iyo...
Ngayon ay wala na akong tanong.
Para saan pa mahal kung buwan?
Ang mahalaga'y nariyan ka.
Tayo na lang uli.
Kasama ang mga bituin...
ang natitira lamang
ay tanging ikaw at ako.
Ikaw at ako ngayong gabi
at sa mga darating pang gabi ng buhay ko.
Hindi sapat ang aking dala
para ang uhaw ay mawala.
Sa aking tanaw ay tuluyan ng naglaho ang gusaling iyon...
gaya ng pagkawala ng mga pangarap ng kahapon.
No comments:
Post a Comment