Followers

About Me

My photo
Nobody understands who I really am and I don't really care.

Monday, November 30, 2009

dahil sa munting berso

Ilang ulit na nga bang nagtangkang sumubok?
Hindi pa rin magawa.

Pinipilit takbuhan ang katotohanan.
Sa tuwing maririnig...
sadyang nagkikibit balikat.

Marahil nga...
naubos na ang lahat...

Nagdaan ang isang libong mga ilaw
at ang diwa'y nahimlay sa mumunting berso
na animo'y tao kung makasigaw.

Darating ba ang araw
na matatawag kong katapusan?

Sa bawat segundong lumilipas
ay 'di maiwasang naisin
na ang tren na inaasahan ay madiskaril na lamang
matapos lang ang paghihirap na nadarama.

Nagdaan ang isang libong mga ilaw...

Naalala kita.

No comments: