Followers

About Me

My photo
Nobody understands who I really am and I don't really care.

Friday, October 27, 2006

Namimiss kita pag sem-break

Ngayong Gabi

Ngayong gabi
sa ilalim ng mga tala
kausap ko ang malihim na hanging
walang atubiling sumasalo ng aking mga panaghoy.

Ako'y mistulang isang baliw na walang puwang sa mundo...
ang isip ay binabalot ng mga palaisipang
nais manatiling mga misteryo habang buhay.

Mantakin mo'y sinubok kong hamunin ang mga ulap
na nagbabadyang itago
ang mga bituin sa kalangitan...
Nais ko lamang mapakawala
ang kahibangang nananalaytay sa aking pagkatao.

Bakit ba hindi ko magawang mapagod,
at magsawa sa kapapanalangin?
na ang mga pagsusumamo ko ay dinggin...
gabi gabi na lamang ay nagtiyatiyagang humiling sa mga bituin.

Ngayong gabi
gaya ng mga gabing nagdaan sa mundo...
Ako'y patuloy na nakikiusap sa mga bulalakaw na nagdadaan
na pagbigyan ang minimithi ko...

Sana'y mapagod ka na rin sa pagtatago
at maisipang basagin ang katahimikan mo.