Followers

About Me

My photo
Nobody understands who I really am and I don't really care.

Friday, December 10, 2004

Mahirap pero Madali

Mahirap pero Madali
Ika-18 ng Hulyo, 2002
Huwebes
3:28 ng hapon

Napakadaling sabihin na ayos lang ako
...marahil punung-puno ng enerhiya
ang tinig ko sa telepono
E ano namang magagawa mo?
Ang layo-layo mo...sobrang layo.

Madali lang sabihing pinagkakatiwalaan kita
kahit lagi akong nag-aalalang
may mahahanap kang iba
anong magagawa ko?
Gusto ko lang lumigaya sa piling mo.


Kay daling sabihin na hindi ako nagseselos
tuwing ikinukwento mo ang babaeng
lapit ng lapit sa 'yo
nakakainis, pero anong pwede kong gawin?
Wala ako sa tabi mo para kita'y solohin.

Naniniwala ka ba sa lahat ng sinasabi ko?
Sana naman maramdaman mo
na nahihirapan akong sabihin ang mga sinasabi ko.

---o0o---

Pamatay! Wala lang, this is one of my spur-of-the-moment poems! Grabe! The things I came up to write because of him! Wala lang... =)

No comments: