Wala ng makakatulong sa'kin ngayon.
Hindi ang naturingan kong kambal sa mga nagdaang buhay.
Hindi ang tagapayo ko ang magiging tagasalba.
Hindi ang misteryosong nilalang ng buwan.
Hindi ang kaibigang may lihim na damdamin.
Hindi ang patuloy pa ring lumalaban na pag-asa.
Mantakin mo'y mas malubha pa ang dinulot ng lahat ng ito kesa sa imaheng iyon na kasing mapangwasak ng kape?!
Nakabitin ako ngayon sa dulo ng napakanipis na sinulid.
Hangin, tubig, init at dilim.
Ano pa ba ang kailangan kong harapin?
Hindi ba't natutunan ko noon pa na sa mga bituin na umasa? Bakit nga ba hinahanap ko ang liwanag ng buwan?
Ako na lang mag-isa...
Ako na naman mag-isa.
Ano na naman bang ginawa kong mali? Talaga bang ito dapat ang mangyari sa'kin?
Naglalaho na liwanag ng buwan. Wala na akong makita... kase ang paningin ko, nabulag na ng mga luha.
Ako na lang mag-isa... Ako na naman mag-isa. :'(
No comments:
Post a Comment