Followers

About Me

My photo
Nobody understands who I really am and I don't really care.

Sunday, June 13, 2021


Pilipinas kong mahal,

Katulad mo ang isang nawalay na pag-ibig.

Sa tinagal tagal ng pagkakalayo sayo, ako ay nangungulila pa rin.
Sa lahat ng kaguluhang kinasasangkutan mo ngayon, paminsan kay hirap mong mahalin.

Gayun pa man, ikaw ang aking lupang sinilangan.
Ang aking pagmamahal at katapatan sa iyo, ay magpakailanman.

Batid ko na ako'y nagkulang sa pagpapahalaga sa taglay mong kagandahan. Paumanhin Pinas... para sa akin ay wala kang katulad. Noon ay hindi ko nagawang maisapuso ng husto ang liriko ng iyong pambansang awit. Ngayong ako ay nasa ibang bayan, bawat salita nito ay tumatagos sa aking puso. Isa ito sa pinakamagandang liham ng pag-ibig na nabasa ko.

"BUHAY AY LANGIT SA PILING MO."

Tunay Pilipinas... saan man ako dalhin ng buhay, hindi pa din maipagkakaila ang aking pinanggalingan. Dahil sa iyo, ako ay may pagkakakilanlan. Kahit anong mangyari, ikaw ay paulit ulit kong babalikan.

Ang larawang ito ang patunay sa ligayang dulot mo sa akin. Matanaw ka lang sa himpapawid, anong kapanatagan sa akin ay hatid. Patuloy akong magdarasal, at matiyagang aantayin ang araw na masisilayan kang muli.

Maligayang araw ng kasarinlan! Mabuhay ka! Mahal na mahal kita.

#tagalog #cebuano #muntinlupeño #moalboalanon #Pilipino #philippineindependenceday

 

No comments: