Followers

About Me

My photo
Nobody understands who I really am and I don't really care.

Friday, July 16, 2021

Sugat na hindi naghihilom


Ano nga ba ang nararapat gawin? 
Lumalalim na ang gabi, 
ngunit hindi mapigilan ang paguusisa sa sarili. 
Tila hindi na matatapos itong panaghoy na dulot mo. 

Kailan natin tatanggapin ang wakas? 
Aantayin bang maubos lahat ng ating lakas?

Marahil ay tunay na hibang...
matiwasay ang puso, 
sa bawat harok mong mapayapa rin. 

Hindi ka nga ba manghihinawa? 
Sa kasalukuyan nating kinatatayuan, 
na tayong dalawa rin ang may sala?
Kailan ka ba susuko? 
Kapag ba nalaman mong wala nang atrasan ang lahat ng ito? 

Hindi kailan man, 
na magagawa kong kunin ang ngayon mo lamang natagpuan. 
Ilang beses ba kita kailangan pakawalan? 
Hindi na mabilang ang pagpapalaya sa iyo, 
ng buong puso, walang halong hinanakit at panibugho. 

Saan ka kumukuha ng puwersa, 
at patuloy ka sa pagtangnan?
Hindi mo pa rin ba nakikita? 
Ikaw din ay lubusang nasasaktan na. 

Hindi maitatago ng kahit anong masayang awitin, 
ang tunay na sigaw ng mga damdamin...
Hanggang kailan ba natin ito kakayanin?

Paulit ulit nang tinatamaan, 
nababalatan, 
nagdurugo,
ang pinsalang hatid ay walang ganap,
mga luha ay hindi nauubos.

Tayong dalawa...
ay tulad ng isang sugat na walang lunas. 










No comments: