Followers

About Me

My photo
Nobody understands who I really am and I don't really care.

Friday, January 23, 2009

ang kahulugan

Ang hirap ng may inaantay. Yun bang 'di mo alam kung kelan talaga darating... kung anong araw at kung anong oras.

Hindi naman sa pinangakuan ako... pero sinabi lang. Sabi sabi lang. Sapat na ba yon? Na maniwala ako sa sabi lang? Kapag ipinangako ba, iba mararamdaman ko tungkol sa pagaantay? Siguro. Kase pag may kasamang pangako, may panghahawakan ako. Hindi gaya nitong wala, hindi ko malaman ang dapat gawin. Kung dapat bang 'wag na lang ako maniwala, o umasa akong darating nga.

Mahirap kase yung pabigla bigla. Yun ngang alam mo kung kelan eksaktong darating, kakabahan ka pa e. Lalo naman yung biglaan. Masakit sa puso. Sa pagkakataong ito, ayaw ko mabigla. Gusto kong maging handa.

Ang dami ko kaseng inaantay. Hindi nauubos. Nakakapagod. Nakakatakot.

Wala naman akong magawa kundi mag-antay pa rin. Kainis.

No comments: